Thunder nakaisa sa Mavs, 1-1 na

DALLAS--Umasa ang Oklahoma City Thunder sa ka­nilang mga reserves na sina James Harden, Eric Maynor, Nick Collison at Daequan Cook para talunin si Dirk Nowitzki at ang Dallas Mavericks, 106-100, sa Game 2 ng kanilang Western Conference finals.

Itinabla ng Thunder sa 1-1 ang kanilang championship series ng Mavericks.

Nakatakda ang Game 3 sa Sabado sa tahanan ng Thunder.

Nagtala si Harden ng 23 points, habang nagdagdag si Maynor ng 13, 8 si Cook at 6 si Collison.

Si Maynor ang humawak sa point guard duties na dating trabaho ni Russell Westbrook na tumapos na may 18 points.

Ipinasok ni Thunder coach Scott Brooks ang kanyang apat na backups para makatulong ng kanyang superstar na si Durant para sa final period.

At mula rito ay hindi na nilingon pa ng Oklahoma City ang Dallas.

Isang 14-5 spurt, kasama ang jumper ni Harden, ang nagbigay sa Thunder ng isang 10-point lead sa 3:15 kasunod ang timeout ng Mavericks.

Sa kanilang sweep kontra sa Los Angeles Angeles sa semifinals, gumawa ang Dallas ng mga fourth-quarter rallies sa dalawa nilang panalo.

Tinapos naman ng Oklahoma City ang seven-game winning streak ng Dallas at ipalasap rito ang unang home loss matapos ang 6-0 marka sa playoffs.

Sa Game 1, inungusan ng mga Dallas reserves ang mga reserves ng Oklahoma City sa puntos, 53-22.

Sa Game 2, dinaig naman ng mga reserves ng Thunder ang mga backups ng Mavericks, 50-29.

 Ang mga backups ng Oklahoma City ay umarangkada sa second quarter. 

Show comments