^

PSN Palaro

De Jong sibak sa Azkals

-

MANILA, Philippines - Dahil sa ipinakitang hindi magandang pag-uugali, na-demote si Fil-Dutch midfielder Jason de Jong dahil hindi na sa Azkals kungdi sa U-23 na maglalaro ito sakaling bumalik ng bansa.

Sakto naman si De Jong sa pambansang koponan na ilalaban sa 26th Southeast Asian Games sa Indonesia sa Nobyembre dahil edad 21 pa lamang ito o dalawang taon mas bata kumpara sa ipaiiral na U-23 ng kompetisyon.

Si Jason ay dating naglalaro sa Azkals sa unang la­ban ng bansa at Mongolia sa Bacolod. Pero matapos nito ay hindi na bumalik pa ang manlalaro dahil may pinirmahang kontrat ito sa Persiba Balikpapan ng Indonesia.

Nagbago ang timpla ni De Jong at nais ngang makapaglaro uli sa pambansang koponan dahil tinanggal din siya ng Indonesian team nang may labagin siya sa na­kasaad sa kanyang kontrata.

“He’s taking a stepp back and if he can prove himself and correct himself a little bit in his attitude, he can comeback,”wika ng German coach ng Azkals Michael Weiss.

Si Weiss din ang tinapik na head coach para umayuda sa U-23 team na maghahangad na bigyan ng kauna-unahang medalya ang Pilipinas sa football sa SEAG.

AZKALS

AZKALS MICHAEL WEISS

BACOLOD

DAHIL

DE JONG

FIL-DUTCH

JONG

PERSIBA BALIKPAPAN

SI JASON

SI WEISS

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with