^

PSN Palaro

PASA sablay na naman

- Ni Robbie M. Pangilinan -

MANILA, Philippines - Sumama ang loob ni swimmer Kiefer Piccio matapos makausap si Philippine Amateur Swimming Association Inc. president Mark Joseph ukol sa hindi pantay na trato at ile­­galidad na nagaganap sa asosasyon ng swimming.

Si Piccio ay isa sa pitong swimmer na kasama sa Philippine Swimming Lea­gue-DilimanPrep (PSL-DSL) sa pamumuno ni da­ting Senador Nikki Coseteng na naitsapuwera sa ginaganap na Arafura Games sa Darwin, Australia.

“Bakit kailangan na ma­ging PASA eh hindi naman ito FINA competitions,” sabi ni Piccio. “He keeps saying about FINA rules, kung totoo yan dapat lahat ng sumali sa competition na ito lalo na mga taga PASA eh dapat suspended na sa FINA at PASA INC.”

Nagposte si Piccio ng pinakamabilis na oras sa kanyang tiyempong 2:19.93 segundo kasunod ang isang taga-Queensland, Brisbane at ikatlo si PASA swimmer Dhil Ander­son (2.23.02).

Ibinunyag din ni Piccio na dati umano siyang PASA member subalit umalis sa asosasyon dahil sa “poor training” mula sa coach na si Carlos Brosas.

“Sayang ang ilan taon ko sa TRACE. Hindi ako nag improve. I am often used as a pacer of Lacu­na,” sabi pa ni Piccio.

Wala din umanong par­tikular na programang na­kahanda para sa kanya ang PASA, dagdag pa ni Piccio.

“I dont want to be a mem­­­ber of PASA anymore. Kapag napili ka pa na national team, ang mahal ng bayad. Noong 2009 sa SEA Age group sa Malaysia, we have to pay for our own expenses of around P41,000.00. My family has to raise the money and it took as a long time before we can settle it,” sabi pa ni Piccio.

Naghihinanakit rin si Piccio hinggil sa umano’y maling pamamalakad na ginagawa ng PASA kung saan kailangan ka munang maging miyembro upang mapabilang sa national team.

ARAFURA GAMES

CARLOS BROSAS

DHIL ANDER

KIEFER PICCIO

MARK JOSEPH

PASA

PHILIPPINE AMATEUR SWIMMING ASSOCIATION INC

PHILIPPINE SWIMMING LEA

PICCIO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with