^

PSN Palaro

Patalaan sa PBaRS magtatapos bukas

-

MANILA, Philippines - Magtatapos bukas ang pagpapatala para sa second leg ng MVP Sports Foundation-Bingo Bonanza Philippine Badminton Ranking System (PBaRS) na hahataw sa Mayo 31-June 5 sa Pohang Badmin­ton Courts sa Bacolod City.

Ang Bacolod event ay bahagi ng programa ng PBaRS para mabigyan ng pagkakataon ang mga players mula sa probinsya na makaharap ang mga ma­gagaling na shuttlecockers at makakuha ng ranking points.

Tatanggapin ang mga entries hanggang alas-6 ng gabi sa PBaRS office sa No. 20 E. Maclang St., San Juan City.

Ang mga players na sumali na sa first leg ay hindi magsusumite ng kanilang NSO birth certificates o proof of citizenship. Para sa mga detalye ay mag-log on sa www.pbars.com o mag-email [email protected].

Ang PBaRS series nationwide tournaments ay proyekto nina Vice President Jejomar Binay, Rep. Albee Benitez at businessman-sportsman Manny Pa­ngilinan.

Ang Davao ang mamamahala sa third stage sa Hulyo 31 hanggang Agos­to 6 bago matapos ang circuit sa pamamagitan ng VP Grand Prix Badminton Open Championships sa Oktubre 22-29 sa Manila.

ALBEE BENITEZ

ANG BACOLOD

ANG DAVAO

BACOLOD CITY

GRAND PRIX BADMINTON OPEN CHAMPIONSHIPS

MACLANG ST.

MANNY PA

POHANG BADMIN

SAN JUAN CITY

SPORTS FOUNDATION-BINGO BONANZA PHILIPPINE BADMINTON RANKING SYSTEM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with