^

PSN Palaro

Puwesto sa quarters nakataya sa labanan ng Gems, Sumos

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Rambulan para sa awtomatikong puwesto sa quarterfinals ang paglalabanan ng Cebuana Lhuillier at Max Bond Super Glue sa pagpapatuloy ng PBA D-League Foundation Cup ngayon sa Trinity University Gym.

Tampok na laro ang na­­­sabing sagupaan matapos mag­pang-abot ang Café France at Junior Powerade sa ganap na alas-2 ng hapon.

Momentum patungo sa kanilang knockout game ang hangad lamang ng Scorpions at Tigers sa unang sagupaan dahil ang dalawang ito ang siya ring maglalaban upang madetermina kung sino ang ika­anim at huling koponan na uusad sa Playoffs sa Group B.

Mas masidhi ang pag­ha­hangad sa panalo ng Café France dahil sila na lamang sa hanay ng 13 ko­ponan ang hindi pa na­ka­katikim ng panalo sa tor­neo.

Hitik sa aksyon ang ina­asahang magaganap sa pagitan ng Gems at Sumos na parehong may 3-1 karta at nasa ikalawang puwesto.

Ang mananalo ay sasalo sa nagsosolong Cobra Energy Drink (4-1) at lalapit sa isang hakbang upang makopo ang insentibong ibibigay sa mangungunang dalawang koponan sa Group A at B.

Mas bata ang Sumos dahil karamihan sa kani­la ay naglalaro pa sa UST pero matibay ang mga be­teranong kinuha sa katauhan nina Rudy Lingga­nay, Jun Cabatu at Roel Hug­natan na sariwa naman sa paglalaro sa natapos ng ASEAN Basketball League.

Kasama pa ni Reil Cervantes, ang Sumos ay may tatlong sunod na panalo upang mapawi ang tinamong 61-82 kabiguan sa Maynilad sa unang laban.

Ang mga ex-PBA pla­yers na sina Marvin Hayes at James Sena ang inaasahang mangunguna sa Gems pero makakatulong kung kikinang uli ang batang si Kevin Alas para magkaroon ng ibang opsyon ang koponan.

BASKETBALL LEAGUE

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

GROUP A

GROUP B

JAMES SENA

JUN CABATU

JUNIOR POWERADE

KEVIN ALAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with