^

PSN Palaro

Cobra lumapit sa Quarterfinals; Freego Jeans wagi rin sa Pharex

-

MANILA, Philippines - Hindi hinayaan ni Paul Lee na masayang ang ma­gandang paglalaro nang magbida sa kinuhang 71-70 panalo ng Cobra Energy Drink sa FCA Cultivators sa PBA D-League Foundation Cup sa San Juan Gym.

Ang dapat na nagpatalo sa laro dala ng isang error na si Lee ay bumawi nang maisalpak ang tres upang maibangon ang Ironmen buhat sa 68-70 iskor.

“Malaking panalo ito sa amin dahil mahigpitan ang labanan sa aming grupo. De­terminasyon ng mga players ang nagdala sa la­rong ito,” wika ni assistant coach Eric Gonzales na humalili sa coach na si Lawrence Chongson na nasa US para sa isang business trip.

Ibinigay ni Allan Husted ang dalawang puntos na kalamangan sa huling 5 segundo sa kanyang split mula sa foul matapos mawala ang bola kay Lee na inatake sana ang depensa.

Si Lee na tumapos tag­lay ang 30 puntos mula s 50% shooting (12 of 24) kasama ang 3 of 7 buslo sa tres, ang kumuha ng bola sa inbound at matapos malusutan si Mark Can­las ay napakawalan ang 3-pointer sa tuktok ng 15-foot line na nagbigay sa Cobra ng nangungunang 4-1 baraha sa Group B.

Maliban sa solo liderato, naisuong din ng Ironmen ang isang paa sa mithiing awtomatikong puwesto sa quarterfinals.

Nagpatuloy naman ang pag-akyat ng Freego Jeans mula sa dating inokupahang huling puwesto sa Group A nang durugin ang Pharex, 72-54, sa unang laro.

May 21 puntos si Alex Nuyles at 10 rito, kasama ang 3 for 3 sa 3-point line, ang ginawa niya sa ikatlong yugto para ma-outscore ng Falcons ang Pharex, 20-14, at ang apat na puntos na ben­tahe sa halftime ay na­ging 48-38, papasok sa huling yugto.

 May15 puntos pa si Cabrera habang 12 naman ang ibinigay ni Alvarez.

Freego Jeans 72 – Nuyles 21, Cabrera 15, Alvarez 12, Colina 9, Camson9, Canada 4, Namucatcat 2.

Pharex 54 – Asoro 12, Mangahas 10, Aguilar 9, CAbonse 6, Morial 4,Taylor 4, Banal 3, Losentes 3,Adolfo 2, Montilla 1, Tecson 0.

Quarterscores:12-11; 28-24; 48-38; 72-54.

Cobra Energy Drink 71 – Lee 30, Baloran 11, Acibar 10, Sanga 7,Foronda 5, Bandaying 5, Hermosisima 3,.

FCA 70 – Reyes 15, Canlas 14, Bulawan 12, Mallari 10, Maconocido 10,Co 4, Husted 3, Pascual 2, Cole 0.

Quarterscores: 12-12; 29-31; 48-55; 71-70.

vuukle comment

ALEX NUYLES

ALLAN HUSTED

ALVAREZ

CABRERA

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

ERIC GONZALES

FREEGO JEANS

GROUP A

GROUP B

PHAREX

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with