MANILA, Philippines - Kapwa yumukod sa kani-kanilang mga kalaban sina Nesthy Petecio at Alice Kate Aparri sa 1st Asian Cup Women’s Boxing Tournament sa China.
Kaagad na naiwanan ang 19-anyos na si Petecio sa first round, 0-2, patungo sa kanyang 7-10 kabiguan sa 21-anyos na si Shekerbekova Zhaina ng Kazakhstan.
Muling inangkin ni Zhaina ang second round, 4-2, at ang third round, 7-4, para sa kanyang dopminasyon kay Petecio, sa naturang two-day tournament.
Nasa format ang paglahok ng top 4-ranked Asian women boxers sa bawat weight category.
Isang 8-11 pagkatalo naman ang nalasap ni Aparri, bronze medalist sa 2010 World Women’s Boxing Championships, kay Mary Kom ng India na nanalo ng apat na world championships.
Kinuha ng Indian policewoman ang first round, 3-1, at ang second round, 5-3, hanggang tuluyan nang talunin si Aparri sa third round, 9-5.
Nakasama nina Petecio at Ap[arri sa torneo sina coach Mitchel Martinez at ABAP executive director Ed Picson.
“This is their first exposure in the year, and the luck of the draw had them against the top seeds right away. The fact that our girls gave them a tough time gives us lessons on what to work on in the coming months,” sabi ni Piczon.