Mga lugar sa Metro Manila para sa libreng panonood handang-handa na

Manila, Philippines -  Inaasahang magkakaroon muli ng zero crime rate at maluwag na daloy ng trapiko bukas sa pagsagupa ni Manny Pacquiao kay Sugar Shane Mosley sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Ito ang palagiang nangyayari sa tuwing may laban ang Filipino world eight-division champion.

Kaugnay nito, handang-handa na ang mga venues sa Metro Manila para sa libreng panonood ng mga Pinoy sa banggaan nina Pacquiao at Mosley.

Ang mga ito ay ang city coliseums at local gymnasiums sa Makati, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa at Taguig na maglalaan ng 14 covered courts para sa panonood ng mga kababayan ni Taguig City Mayor Laarni Cayetano.

Pabubuksan naman ni Makati City Mayor Jejomar Erwin Binay Jr. ang Makati Coliseum para sa libreng pagtunghay ng mga residente nito.

Show comments