MANILA, Philippines - Nagpasikat ang dalawang koponan mula Makati upang katampukan ang aksyon nitong Miyerkules sa 2nd Coca-Cola Hoopla NCR Intra-City elimination.
Ang Pio Del Pilar ang unang nagpasikat nang lusutan ang Olympia, 66-64, sa larong napag-iwanan sila ng apat, 45-49, matapos ang tatlong yugto habang ang Pitogo ay humabol mula buhat sa 40-46 iskor matapos ang tatlong yugto para sa 68-62 panalo sa Guadalupe.
Ang Salaban ay nakalusot naman sa Sta. Lucia, 67-66, sa San Juan upang masama sa mga come-from behind na panalo na nailista sa araw na ito.
Sa iba pang laro, dominado ng Wagas ang Kasipagan, 68-54, sa Manila; ang Pasay Youth ay nanalo sa Pasay Warriors, 60-56; dinurog ng Masambong ang Kristong Hari, 102-74, sa Quezon City; Nanalo ang Malinta sa Canumay, 107-101, sa Valenzuela; inilampaso ng Hulong Duhat ang Tinajeros, 129-63, sa Malabon; ang Sta. Ana ay nanaig sa Sto. Rosario, 90-80, sa Pateros; ang Hagdang Bato ay nanalo sa Mauwang, 100-87, sa Mandaluyong; ang Libid ay nagdomina sa Lunsod, 85-57, sa Binangonan at ang Ligid Tipas ay nakaalpas sa North Signal, 79-73, sa Taguig.
Halagang P250,000 ang mapupunta sa NCR champion mula sa P500,000 kabuuang premyo na inilaan ng Coca-Cola sa pangunguna ni JB Baylon, ang PBA Powerade Tigers governor at director ng Public Affairs & Communications ng Coca-Cola Export Corp.