Pacquiao dilaw na gloves ang isusuot
LAS VEGAS --Dumating si Manny Pacquiao sa final press conference na nakadamit na tila politiko.
Dumating rin siya sa itinakdang oras.
Sa kanyang pagharap sa mga manonood sa Hollywood Theater ng MGM Grand, ipinakita niya na hindi lamang siya isang boksingero.
“All my life I had to fight as a child. I had to fight just to eat,” sabi ni Pacquiao kaharap ang mga miyembro ng boxing media.
“But now when I fight Filipinos call me bayani or hero. I believe this world needs more heroes,” sabi pa ng 32-anyos na Sarangani Congressman na suot ang isang dark business suit at hawak ang isang speech sa kanyang kamay.
“The biggest fight of my life is not in boxing,” wika nito. “The biggest fight of my life is how to end poverty in my country. On Saturday, I will wear yellow gloves as a sign of unity.”
Ang kulay dilaw ang national color ng bansa.
“Yellow is a symbol of unity. That’s the color of our President,” sabi ni Pacquiao kay President Aquino, anak ni dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino at dating Pangulong Corazon “Cory” Aquino.
Nang patayin si Ninoy noong 1983, ginamit ni Cory ang color yellow bilang simbolo ng paglaban para sa demokrasya.
Sa kanyang laban kay Shane Mosley sa Linggo, isusuot ni Pacquiao ang yellow gloves.
“We can help the poor more if we are united, if we are together,” sabi ni Pacquiao.
Kilalang mapagkawanggawa si Pacquiao at palagiang tumutulong sa kanyang mga kababayang nangangailangan.
Nagpapaaral siya ng mga bata at nagbibigay ng mga kama sa provincial hospitals. At pagkatapos ng kanyang laban, itinakda naman ang isang ground-breaking ng ipinatayo niyang ospital sa Sarangani.
Binanggit rin ni Pacquiao ang The Gawad Kalinga Foundation, isang non-government organization na nagbibigay ng tirahan at livelihood programs sa mga mahihirap.
“We need to be united. So, I like to invite you all to wear yellow on Saturday. Unity is the best weapon,” dagdag nito.
Halos makalimutan ni Pacquiao ang kanyang laban kay Mosley at ang pagdedepensa ng kanyang suot na WBO welterweight crown.
Habang nagsasalita si Pacquiao, nakikinig naman si Mosley.
“Is this the kind of man I’d be trying to beat in the ring?” wika ni Mosley sa kanyang sarili.
“It speaks well of him. He’s a great person.”
Sa kanilang face-off sa harap ng mga camera matapos ang press conference, nagpalitan ng ngiti sa isat isa sina Pacquiao at Mosley at nagkamayan na parang magkaibigan.
Ano nga ba ang magiging motivation para sila maglaban?
“It’s the sport,” ani Mosley. “We understand it. We’re not trying to hurt anybody or kill anybody. If a knockout comes it happens. He’s a great person. I’m a great person and we love to fight,” dagdag pa nito.
- Latest
- Trending