Puwestuhan na sa quarters sa D-League

MANILA, Philippines - Puwesto sa quarterfi­nals ang paglalabanan sa pagpapatuloy ng PBA D-League Foundation Cup ngayon sa San Andres Gym sa Manila.

Ang Black Water at PC Gilmore ang mag-uuna­han na makuha ang nasabing puwesto sa Group A sa kanilang tagisan dakong alas-4 ng hapon.

Una munang labanan ay sa pagitan ng Café Fran­ce at FCA ganap na alas-2 ng hapon at ang Cultivators ay magnanais na manalo para tumibay ang puwesto sa Playoffs.

May 2-1 karta ang Cultivators at kung manalo sila sa larong ito ay sasalo sa unang puwesto sa Group B na kasalukuyang pinagsasaluhan ng Cobra Energy Drink, Cebuana Lhuillier at Max Bond Super Glue sa 3-1 baraha.

Galing sa 77-67 ta­gum­pay ang FCA sa malakas na Maynilad sa huling laro at patok sila sa Café France na hindi pa nakakatikim ng panalo matapos ang li­­mang laro.

Huling laro na rin ito para sa Elite at Wizards sa classification round kaya’t makakatiyak na gagawin ng magkabilang kampo ang lahat ng makakaya para maitakas ang panalo.

“It’s a knockout game as far as the top 2 spots in our group is concern so I real­ly expect a tough battle,” wika ni Wizards coach Richard Del Rosario.

Sina Carlo Lastimosa, Allan Mangahas at Jett Vidal ang mangunguna sa Wizards laban kina Gio Ciriacruz, Adriane Celada at Ian Mazo.

Show comments