Mosley nagbantang tatalunin si pacquiao
LAS VEGAS - Walong taon na ang nakararaan nang unang lumaban si Shane ‘Sugar’ Mosley sa MGM Grand para sa kanyang ikalawang panalo kay Oscar De La Hoya, ang dating golden boy ng boxing.
Dalawang beses nanalo si Mosley sa MGM, at noong Mayo ng nakaraang taon, eksaktong 368 araw, bumalik siya para lamang matalo kay Floyd Mayweather.
Karamihan ay naniwalang hindi na siya magbabalik.
Apat na buwan matapos matalo kay Mayweather, isang draw ang kanyang nakuha laban kay Sergio Mora sa Staples Center.
Sa Linggo, magbabalik si Mosley sa MGM para labanan si Manny Pacquiao.
Magiging 40-anyos na si Mosley sa Setyembre at maaaring maging pinakamatandang kampeon.
Dumating si Mosley at nakipagsiksikan sa napunong lobby sa MGM patungo sa kanyang makeshift ring kung saan naroon ang mediamen.
“If I fight Pacquiao and beat him, there will probably have to be another one, because people won’t believe it,” sabi ni Mosley sa media. “That would be the best victory at this time.”
Alam ni Mosley na mas magiging madaling kalaban si Pacquiao kumpara kay Mayweather.
“Mayweather doesn’t throw a lot of punches, but he throws them at the right time. Manny throws more punches and he throws them at any time. That style I believe is going to be more suitable to me,” wika ni Mosley.
Hindi pa napapabagsak si Mosley sa kanyang 54 fights (46-6-1 with 39 knockouts) ngunit sa nakaraang mga araw ay itinakda na ang kauna-unahan niyang paghalik sa lona.
“It’s unfair to him,” ani Pacquiao sa Reuters. “Because he has good hand speed, good foot speed, and of course he’s strong. You cannot underestimate Mosley.”
Halos 30 minuto naman pagkaalis ni Mosley ay dumating si Pacquiao.
“A lot of the times people count me out, I tend to become victorious. So, maybe it’s not a good idea to count me out,” wika ni Mosley.
Hindi tinutukoy ni Mosley si Pacquiao.
- Latest
- Trending


















