^

PSN Palaro

1,500 jins sisipa sa SMART 'New Face' tourney

-

MANILA, Philippines - Umaasa ang Philippine Taekwondo Association (PTA) na makadiskubre sila ng mga future stars sa pagdaraos ng 2011 SMART New Face of the Year championships sa Mayo 7-8 sa Rizal Memorial coliseum.

Tinatayang 1,500 senior men at women, junior men at women aty grad school boys and girls ang sasabak sa aksyon, ayon kay tournament organizing committee chairman Sung Chon Hong.

Ang bawat level ay magsasagawa ng kompetisyon sa novice at advance cate­gories na magtatampok sa mga jins mula sa lahat ng PTA affiliated chapters at branches sa Metro Manila at sa iba pang probinsiya kabilang ang iba’t ibang military commands.

Suportado ng SMART Communication Inc., Milo, PLDT at Philippine Sports Commission )(PSC) ang nasabing event ay makapagbibigay sa mga bagito ng tsansa na maipamalas ang kani-kanilang mga bagong taktika at kakayahan na kanilang nakuha mula sa mahabang training sa ilalim ng mga matitikas at beteranong coaches.

Magsisimula ang dalawang araw na tagisan sa alas-9 ng umaga.

COMMUNICATION INC

MAGSISIMULA

METRO MANILA

NEW FACE OF THE YEAR

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

PHILIPPINE TAEKWONDO ASSOCIATION

RIZAL MEMORIAL

SUNG CHON HONG

SUPORTADO

TINATAYANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with