So babandera sa Pinas sa Asian chessfest

MANILA, Philippines - Pangungunahan ni GM Wesley So ang isang six-man Philippine contingent para sa Asian Individual chess championships na su­sulong ngayon sa Hotel Pardisan sa Mashhad, Iran.

Si So, ang highest-ra­ted player sa bansa sa kanyang ELO 2667, ay isa lamang sa anim na Pinoy na magtatangkang makakuha ng tiket para sa apat na kakatawan sa rehiyon sa 2011 World Cup sa Khanty-Mansiysk, Russia.

Ang 16-anyos na Filipino champion ay seeded fourth sa men’s tournament sa likod nina GMs Rustam Kasimdzhanov ng Uzbekis­tan (ELO 2687), Krishnan Sasikiran ng India (ELO   2682) at Bu Xiangzhi ng China (ELO 2677).

Ang iba pang Filipino players na maghahangad sa titulo at sa US$6,000 ay sina GMs Rogelio Antonio Jr. (ELO 2589), Mark Paragua (ELO 2547), John Paul Gomez (ELO 2538), at Darwin Laylo (ELO 2516) at IM Oliver Barbosa (ELO 2506).  

Kabuuang 57 players ang kalahok sa men’s division, habang 32 players naman sa women’s division.

Show comments