Bagumbayan lusot sa San Jose sa OT sa Coca-Cola Hoopla
MANILA, Philippines - Makapigil-hininga ang mga naunang mga laro sa pagbubukas ng 2nd Coca-Cola Hoopla NCR Intra-City elimination sa Navotas Sports Complex nitong Sabado.
Tampok na laro ay ang pagkikita ng Bagumbayan at San Jose na pinagharian ng una sa bisa ng 83-82 double overtime na panalo.
Ang iba pang dikit na labanan ay sa pagitan ng Sto. Domingo at Sto. Nino, 81-80 sa Teacher’s Village sa Cainta at Black 4 sa Wagas, 64-61, sa Brgy. 104, Zone 8 sa Manila.
Dominanteng panalo naman ang kinuha ng Malinta at Sta. Elena sa kanilang laro sa ligang suportado ng Coca Cola at isang grassroots program sa basketball.
Humirit ng 92-67 panalo ang Malinta sa Brgy. Gignay na nilaro sa St. Jude, Ma-linta, Valenzuela, habang isang 78-65 naman ang kinuha ng Brgy Sta. Elena sa Sto Nino sa Tambay Kay Lim court sa Marikina.
Nagpasikat rin ang Brgy. Doroteo Rd matapos igupo ang Brgy. Dorotea Rd. court sa Callocan City, 74-62.
- Latest
- Trending