Kalahok sa Bosch Cordless Race Championships handa na
MANILA, Philippines - Handang-handa na ang mga kalahok sa Bosch Cordless Race Championships na gaganapin sa Boomland Kart Track sa CCP Complex, Pasay City sa darating na Mayo 15.
Kumpiyansa ang ilang mga kalahok na ang gawa nilang race kart na pinapatakbo ng Bosch cordless lithium-Ion power tools ang siyang magwawagi sa gaganaping time trial.
“Designing any machine is always a great and exciting challenge; a challenge that must be faced with the creativity and ingenuity that defines engineers,” pahayag ng UP ME Drill Drivers ng University of the Philippines-Diliman.
Ang ibang kalahok sa karera ay ang Rizal Technological University, Mapua Institute of Technology, Team Velocity (Technological Institute of the Philippines); KARTolinians (University of San Carlos); Team Rascalz (University of Mindanao-Davao); Team Don Bosco (Don Bosco Technical College-Mandaluyong); at MIVEC Crew (Letran College-Calamba).
- Latest
- Trending