^

PSN Palaro

Fight Camp 360: Pacquiao-Mosley fight documentary ipalalabas ngayon sa Sports 5

-

MANILA, Philippines - Mabibigyan ang mga panatiko nina Manny Pacquiao at Shane Mosley ng ilang bagay- bagay na ginagawa ng dalawang boksingero para sa magaganap nilang sagupaan sa Mayo 7 sa pamamagitan ng Big-time Bakbakan ngayon sa Sports 5.

Mula alas-11 ng tanghali at ala-1 ng hapon ipapalabas ang pagtatanghal at ang pre-fight documentary series na Fight Camp 360: Pacquiao-Mosley ang ipapalabas dito.

Ang unang tatlong episodes ng Fight Camp 360 ang ipalalabas na mapapanood ng sabay-sabay sa TV5, Aksyon TV Channel 41.

May replay din ito sa Sports 5 primetime block sa Channel 13 mula ika-7 hanggang ika-9 ng gabi sa araw ding ito.

Ang Fight Camp 360 ay serye ng magtatampok sa buhay at ginagawa ng dalawang boksingero na magtutuos sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.

Itataya ni Pacquiao ang hawak na WBO welterweight title sa laban at itinalaga siya bilang 6-1 favorite laban sa mabilis din at dating pound for pound champion pero may edad nang si Mosley.

Bukod sa kanyang pagsasanay na sinimulan sa Pilipinas sa Baguio City, ipakikita rin ang mga ginagawa ni Pacquiao bilang isang Kongresista ng Sarangani Province.

May panayam din sa mga trainers na sina Freddie Roach at Naazim Richardson kung ano ang balak nilang gawing diskarte sa gabi ng laban.

Si Pacquiao ay nagsasanay ngayon sa Wild Card Gym sa California habang sa Big Bear camp naman naghahanda si Mosley.

vuukle comment

ANG FIGHT CAMP

BAGUIO CITY

BIG BEAR

FIGHT CAMP

FREDDIE ROACH

GRAND ARENA

LAS VEGAS

MOSLEY

NAAZIM RICHARDSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with