^

PSN Palaro

Langit, Mangrobang asam ang panalo

- Ni AT -

Manila, Philippines - Bigyan ng magandang simula ang host country sa 2011 ITU-K-Swiss Subic Bay International Triathlon (SUBIT) ang hangad nina LC Langit at Kim Mangro­bang sa pagsisimula nga­yon ng dalawang araw na triathlon event sa Subic Bay Freeport.

Mabigat ang laban ng dalawang pambato ng ban­sa sa Female Elite dahil sa paglahok ng mga biga­ting dayuhan sa karerang inorganisa ng Triathlon As­sociation of the Philippines (TRAP) katuwang ang Su­bic Bay Metropolitan Autho­rity at handog ng K-Swiss.

Ang mga dayuhang kasali ay sina Hoi Long ng Macau, Simone Acker­mann ng New Zealand, Na­talie Van Coevorden, Mad­dison Allen at Amy Ro­berts ng Australia, Neiske Becks at Sarissa De Vries ng Nether­lands, Machiko Nakanishi ng Japan at Fany Baysaron ng Israel.

Si Mangrobang naman ang mangunguna sa U-23 female habang si Philip Ju­rolan ang babandera sa male U-23.

Itatakbo rin sa araw na ito ang 13-15 mini-sprint at mainitan din ang labanan dahil magpapasiklaban ang mga kalahok dahil sa age group na ito lalabas ang po­sibleng maging pambato ng bansa sa Youth Olympic Games.

Sa Linggo naman gaga­win ang tagisan sa Male Elite at ang host country ay pamumunuan nina Neil Catiil at Nikko Huelgas na makikipagtagisan sa 41 triathletes mula sa 19 na bansa.

Umabot sa record field na 722 triathletes ang kasali sa edisyong ito na pinakamalaki at tumabon sa da­ting 680 na lumahok sa nagdaang edisyon. 

AMY RO

BAY METROPOLITAN AUTHO

FANY BAYSARON

FEMALE ELITE

HOI LONG

K-SWISS SUBIC BAY INTERNATIONAL TRIATHLON

KIM MANGRO

MACHIKO NAKANISHI

MALE ELITE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with