^

PSN Palaro

Unang silya sa semis dinagit ng lady eagles

- Ni ATan -

Manila, Philippines - Hindi napigil ang mga spikers ng Ateneo ng Perpetual Help tungo sa 25-21, 25-16, 20-25, 25-19, pa­nalo sa 8th Shakey’s V-League First Conference quarterfinals kahapon na ginanap sa The Arena sa San Juan City.

Si Alyssa Valdez ay may nangungunang 18 pun­tos mula sa 17 kills at 1 block habang sina Kesinee Lithawat, Fille Cainglet at Angeline Gervacio ay nakatulong niya sa magka­bi­lang dulo ng court tungo sa paghablot ng Eagles ng 2-0 karta sa Group A.

Dahil dito, ang Ateneo ang kauna-unahang kopo­nan na nakapasok sa semifinals sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s Pizza.

Hanggang 9-7 lamang ang pinakamalapit na dikit ng Lady Altas sa ikaapat at huling set at agad na nagtrabaho ang apat na nabanggit sa pagkuha ng puntos sa magandang set din mula kay Jamenea Ferrer.

Si Ferrer na may dalawang hits lamang sa laro ay nagtala ng 41 excellent digs para lumabas din bilang best player ng tagisan.

Ito ang ikalawang sunod na kabiguan ng Lady Altas sa tatlong laro at nanganganib ngayon ang hanga­ring makausad sa susunod na yugto sa kompetisyong suportado rin ng Accel at Mikasa.        

Umararo naman ng 25-17, 25-21, 25-17 panalo ang National University sa Southwestern University sa unang laro para manati­ling buhay ang hangaring kauna-unahang pagkaka­taon na makausad sa Final Four.

Solidong laro ang nasilayan sa Lady Bulldogs d­ahil bukod sa na-out hit nila ang Lady Cobras, 37-26, ay may 10 blocks at 10 service ace din ang ko­ponan na itinabla ang karta Group B sa 1-1.

May 16 kills, 1 block at 1 service ace si Cherry Vi­vas habang si Dindin Santiago ay mayroong 9 kills, 2 blocks at 3 service aces para pangunahan ang nanalong koponan na itinulak din ang Lady Co­bras sa 1-2 karta.

ANGELINE GERVACIO

ATENEO

CHERRY VI

DINDIN SANTIAGO

FILLE CAINGLET

FINAL FOUR

GROUP A

LADY ALTAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with