^

PSN Palaro

Thai boxer babagsak sa 6th round - Francisco

- Ni ATan -

Manila, Philippines - Hanggang six rounds lamang ang ibinibigay na taning ni Drian Francisco kay Thai boxer Tepparith Singwancha na siya niyang makakaharap sa Linggo sa Phetchaburi, Thailand.

Itataya ni Francisco sa unang pagkakataon ang hawak na WBA inte­rim super flyweight title na pinanalunan laban sa isa ring Thai boxer na si Duangpetch Kokietgym noong Nobyembre 30 sa Nong Khai , Thailand.

Sa press conference para sa laban na ginawa nitong Miyerkules sa 13coins Hotel Rama sa Bangkok, walang takot na sinabi ni Francisco ang kanyang paniniwalang madaling laban ito sa kanya at gamit ang kan­yang lakas ay mapatulog ng maaga ang pambato ng host country.

“I know I can win the fight. My punch is strong enough to topple him,” wik­a ni Francisco sa mga ma­mamahayag sa tulong ng manager na si Elmer Anu­ran.

“Drian wants to finish the fight within six rounds but he is ready to go the dist­ance,” dagdag pa ni Anuran.

Mataas ang morale ni Francisco dahil ang makukuhang panalo ay posibleng malinya sa kanya sa paglaban sa lehitimong titulo na sa ngayon ay hawak ni Hugo Cazares.

Wala ring problema sa timbang ng pambatong bok­singero ng bansa na may ring record na 20-0-1, 16KO dahil tumitimbang na lamang ito sa 117 pounds.

Hindi naman nagpahuli ang boksingero ng Thai na tiniyak na itutulad si Francisco sa kapalarang sinapit nina Filipino boxers Mating Kilakil, Ryan Tampus, Apol Suico, Nino Suelo, Along Denoy, Ryan Maliteg at Ryan Migreno na kanyang tinalo.

“He is much stronger and skillful that Duangphet.Francisco cannot underestimate Tepparith,” wika ni Thai promoter Narit Singwancha.

Sa Sabado ay gagawin ang timbang ng dalawang maglalaban at matapos nito ay tutulak na ang Team Francisco patungong Phetchaburi na kung saan dito gagawin ang sagupaan.

Ang US referee na si Rafael Ramos ang tata­yong third man sa ring habang sina Raul Caiz Jr. ng California, Francisco Martinez ng New Zealand at Venciclav Nikolov ng Bulgaria ang napili bilang mga hurado.

vuukle comment

ALONG DENOY

APOL SUICO

DRIAN FRANCISCO

DUANGPETCH KOKIETGYM

ELMER ANU

FRANCISCO

FRANCISCO MARTINEZ

HOTEL RAMA

HUGO CAZARES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with