Pacman 'ginulpi' ni Roach
HOLLYWOOD--Mistulang ginulpi ni Freddie Roach si Manny Pacquiao sa kanilang mits sa wild card gym nang itulak-tulak at pagsusuntukin sa loob ng ring.
Hindi ito inaasahan ni Pacquiao, pero ayon kay Roach bahagi lang ito ng ensayo para ihanda siya sa maaaring maruming laro na ilalabas ni Shane Mosley sa kanilang laban sa Mayo 7 sa MGM Grand Las Vegas.
“He can get dirty. He can get rough,” sabi ni Roach sa isang break sa kanilang 12-round mitts session, sa harap ng limitadong audience.
Ang tinutukoy ni Roach ay si Shane Mosley na nais na agawin kay Pacquiao kung ano meron siya.
Ayon kay Roach, puwedengf iluwa ni Mosley ang kanyang mouthpiece kapag nalagay siya sa alanganin o maaring maging marumi ang kanyang ipakjita.
“He can get dirty. That’s the only way he can win this fight,” sabi ni Roach kay Pacquiao.
Ngunit sinabi ni Roach na walang makakapigil kay Pacquiao para manalo at kunin ang kanyang pang 14 sunod na panalo at patuloy na angkinin ang kanyang suot na WBO welterweight crown.
“We’re 100 percent ready for the fight. If Mosley brings his best we’re ready for his best. I don’t think there is any room for an upset,” ani Roach. “But in boxing you never know.”
Hindi naman nagpapabaya si Pacquiao sa kanyang training camp.
“No way,” sabi ni Pacquiao habang nagsha-shadow boxing kaharap ang ilang Pinoy scribes corner ng ring. Tumakbo nang walang tigil si Pacquiao kamakalawa at umakyat sa pamosong Hollywood Sign.
Umaasa si Roach na hindi magpapatama si Pacquiao kagaya ng mga nangyari sa kanyang mga nakaraang laban.
“The thing is I don’t think he gets hit on purpose - I don’t know anyone who gets hit on purpose. When you like to exchange and you like to throw punches you put yourself in harms way. That’s why Manny is the most exciting fighter in the world. I can’t take that away from him. He’s always liked to throw combinations and when you let your hands go you leave yourself open,” ani Roach.
- Latest
- Trending