^

PSN Palaro

Magandang pagtatapos sa elims pakay ng Maynilad

- Ni Angeline Tan -

 MANILA, Philippines - Wakasan ang kampan­ya sa eliminasyon ng PBA D-League sa isang panalo ang balak ng Maynilad sa pagbabalik-aksyon ng liga ngayon sa Letran Gym.

Kalaban ng Water Dra­g­ons ang malakas ding Cebuana Lhuillier sa ikalawang laro sa alas 4 ng hapon at kung papalarin ay ikaapat na panalo sa anim na laro ang mapapasakamay ng tropa ni coach Frankie Lim.

Unang magkikita naman ang PC Gilmore at RnW Pacific Pipes sa ganap na alas-2 ng hapon at parehong nangangai­langan ng panalo ang dala­wa para gumanda ang pu­westo sa Group A.

May 2-2 karta ang Wi­zards habang 1-3 naman ang sa RnW pero pareho silang galing sa kabiguan sa huling laro.

Habang wakasan ang tatlong sunod na kabiguan ang pakay ng Pacific Pipes, dagdag motibasyon sa Wizards ay ang maipaghiganti ang tinamong 72-76 kabiguan sa kamay ng ka­laban na nangyari sa unang tagisan sa pagbu­bukas ng liga.

Parehong malalim ang bench ng Maynilad at Cebuana kaya sa intensi­dad ng manlalaro na inaaasahang magkakatalo ang d­alawang koponan.

Isang manlalaro na da­pat na pigilan din ng Gems ay ang ex-pro na si Borgie Hermida na tumipak ng 10 puntos, 10 assists at 6 rebounds sa unang laro sa Water Dragons na nagresulta rin sa 119-67 pagdurog sa Junior Po­werade.

BORGIE HERMIDA

CEBUANA

CEBUANA LHUILLIER

FRANKIE LIM

GROUP A

JUNIOR PO

LETRAN GYM

MAYNILAD

PACIFIC PIPES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with