^

PSN Palaro

Motocross riders nagkakawatak-watak

- Ni Robbie M. Pangilinan -

MANILA, Philippines - Ikinadismaya ng mga mo­tocross riders ang pagkakahati ng National Motor­cycle Sports and Safety As­sociation (NAMMSA).

Isa na rito ang multi-awarded rider na si Jolet Jao na kamakailan ay su­ma­bak sa pakarera na inor­ganisa ng Sel-J Sports dahilan na rin umano sa ka­walan ng mahabang prog­rama ng NAMMSA na siyang pinaghahandaan ng mga motocross riders.

“Kami naman mga ri­ders ay hinahanap ang buong taon na karera. Hindi naman nila kami mapipigilan na sumali sa mga gusto namin salihan na karera da­hil kami ang gumagastos sa mga gamit namin,” sabi ni Jao, ang 5-time Rider Of the Year, Road RaceSuperbike at 6-time Underbone champion.

Sinabi pa ng 47-anyos na rider na si Jao, humu­hugot ng suporta mula sa Extreme Bingo Club, Jolet Jao Motorcycle parts, Rolexsal, Hiyas Jewelry at Ohama Nail Studio, na bagaman nagpaalam siya sa organisasyon na kinikilala ng PSC ay inasahan na niyang hindi siya pa­paya­gan.

Ilang riders rin mula sa Nueva Ecija ang nagsilipat na rin sa Sel-J Sports na kasalukuyang nagdaraos ng International Motocross Series sa iba’t-ibang probin­sya ng bansa.

“Tayo naman ay nag-eenjoy sa pagsali sa mga torneo. Natutuwa tayo na kinikilala tayo ng mga kabataan na nahihilig din sa safe driving at nailalayo na­tin sila sa masamang bis­yo. Kaya kung pipigilan tayo ay dapat na siguro tayong magdesisyon,” sabi ni Jao. 

EXTREME BINGO CLUB

HIYAS JEWELRY

INTERNATIONAL MOTOCROSS SERIES

JAO

JOLET JAO

JOLET JAO MOTORCYCLE

NATIONAL MOTOR

NUEVA ECIJA

SEL-J SPORTS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with