^

PSN Palaro

Lady Stags, Tams magsisibakan para sa huling quarterfinals slot

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Ibabalik ng San Sebas­tian ang Thai import na si Jeng Bualee upang buhayin pa ang kampanya sa 8th Shakey’s V-League first conference na magbabalik ngayon sa Filoil-Flying V Arena sa San Juan City.

Papasok uli si Bualee sa koponan na mahaharap sa do-or-die game laban sa FEU sa tampok na laro dakong alas-4 ng hapon.

Ang mananalo sa labang ito ang siyang kukum­pleto sa mga koponang aabante sa quarterfinals sa Group A sa ligang inor­ganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s Piz­za at suportado rin ng Accel at Mikasa.

Parehong taglay ng Lady Stags at Lady Tamaraws ang 0-3 karta, kaya’t nagdesisyon ang pamunuan ng NCAA champions na pabalikin si Bualee na dumating sa bansa nitong Biyernes.

Ang mananalo sa larong ito ay makakasama ng Ateneo, Southwestern University at Lyceum na na­katiyak ng puwesto nang kunin ang unang tatlong puwesto sa 4-0, 3-1 at 2-2 karta.

Sa unang laro sa ganap na alas-2 ng hapon, nahaharap din sa must-win ang St. Benilde sa pagbangga sa Adamson.

Wala pang panalo sa tat­long laro ang Lady Bla­zers pero kung masilat nila ang Lady Falcons (2-1) ay makakatabla nila ang pa­hingang National Univer­sity (1-3) para sa ikaapat at limang puwesto sa Group B.

Kung mangyayari ito ay magkakaroon ng playoff ang Lady Bulldogs at Lady Blazers para sa huling quarterfinals sa kanilang grupo.

Papalitan ni Bualee si guest player Suzanne Ro­ces habang kinuha rin ng San Sebastian ang Fil-Swiss libero na si Jennifer Salgado para makahalili ni Cherry Macatangay.

Nalagay sa alanganin ang kampanya ng Lady Stags dahil sinamang-pa­lad ding magkaroon ng injury si NCAA MVP Joy Benito. 

vuukle comment

BUALEE

CHERRY MACATANGAY

FILOIL-FLYING V ARENA

GROUP A

GROUP B

JENG BUALEE

JENNIFER SALGADO

JOY BENITO

LADY STAGS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with