Women's team iaapela ang naturalization papers ni Zheng

MANILA, Philippines - Matapos si 6-foot-11 American center Marcus Douthit, si 6’3 Chinese Zheng Xiaojing ang inaapela ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na mabig­yan rin ng naturalization pa­pers para sa women’s basketball team.

Pinamamadali na ni women’s team coach Hay­dee Ong sa SBP at Kongreso ang pagproseso sa application for naturalization ni Zheng.

 “Kailangan talaga namin ni Zheng para may legitimate threat kami sa post,” wika ni Ong sa Chinese cager na tubong Fujian at halos dalawang taon nang nakikipag-ensayo sa natio­nal women’s squad.

 Ang naturalization ni Zheng ay isinampa na ni Antipolo Rep. Roberto Puno mula sa kanyang House Bill 02683 noong Agosto ng 2010.

Ang panukalang batas na magbibigay ng Phl citiz­enship kay Zheng ay inaprubahan na ng House sa second reading noong Setyembre. Ngunit tanging ang House Bill 02307 ng 31-anyos na si Douthit ang naaprubahan ng Kongreso at Senado.

Si Douthit ay kasaluku­yan nang naglalaro para sa Smart-Gilas Pilipinas sa Philippine Basketball Association (PBA).

Show comments