Women's team iaapela ang naturalization papers ni Zheng
MANILA, Philippines - Matapos si 6-foot-11 American center Marcus Douthit, si 6’3 Chinese Zheng Xiaojing ang inaapela ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na mabigyan rin ng naturalization papers para sa women’s basketball team.
Pinamamadali na ni women’s team coach Haydee Ong sa SBP at Kongreso ang pagproseso sa application for naturalization ni Zheng.
“Kailangan talaga namin ni Zheng para may legitimate threat kami sa post,” wika ni Ong sa Chinese cager na tubong Fujian at halos dalawang taon nang nakikipag-ensayo sa national women’s squad.
Ang naturalization ni Zheng ay isinampa na ni Antipolo Rep. Roberto Puno mula sa kanyang House Bill 02683 noong Agosto ng 2010.
Ang panukalang batas na magbibigay ng Phl citizenship kay Zheng ay inaprubahan na ng House sa second reading noong Setyembre. Ngunit tanging ang House Bill 02307 ng 31-anyos na si Douthit ang naaprubahan ng Kongreso at Senado.
Si Douthit ay kasalukuyan nang naglalaro para sa Smart-Gilas Pilipinas sa Philippine Basketball Association (PBA).
- Latest
- Trending