MANILA, Philippines - Kasabay ng pagdomina ng Lady Eagles sa Group A, ibinulsa naman ng Lady Pirates ang ikatlong quarterfinals ticket.
Binigo ng Lyceum of the Philippines University ang Far Eastern University, 25-17, 25-20, 25-22, sa Season 8 ng Shakey’s V-League first conference kahapon sa Filoil Flying V Arena sa San Juan.
Nagposte sina Joy Cases at Dahlia Cruz ng pinagsama nilang 25 attacks bukod pa ang 29 hits para sa 2-2 marka ng Lady Pirates.
Pitong blocks at 10 points naman ang inilista ni Marie Casanova para sa Lyceum.
Ang kabiguan ang nagtulak sa Lady Tams (0-3) sa isang do-or-die match sa Lady Stags (0-3) para sa huling quarterfinals berth.
Winalis naman ng Ateneo De Manila Univetsity ang Group A matapos payukurin ang bumubulusok na San Sebastian College, 25-13, 25-11, 24-26, 25-22.
Nagtala si Thai import Lithawat Kesinee ng 23 hits, tampok rito ang season-high 9 blocks, para sa 4-0 baraha ng Lady Eagles patungo sa quarterfinal round.
Nag-ambag si guest player Alyssa Valdez ng 22 points para sa Ateneo.