^

PSN Palaro

Khan idedepensa ang korona vs McCloskey ngayon

-

MANILA, Philippines - Dalawang title fights ang maipapalabas ngayon sa TV5 upang pagtibayin ang pangako na magi­ging lider sa paghahatid ng mga malalaking laban sa palakasan partikular na sa mundo ng professional boxing gamit ang free TV.

Idedepensa ni WBA light-welterweight champion Amir Khan ang kanyang titulo laban kay Paul McCloskey na isasaere ma­tapos magtuos sina WBC welterweight king Andre Berto at challege Victor Ortiz.

Ang laban ni Khan ay ihahatid mula sa Manchester Arena, Manchester, England habang ang title defense ni Berto ay magmumula sa Foxwood Resort Casino sa Mashantucket, Connecticut.

Si Khan ay matalik na kaibigan ni world’s pound for pound champion Manny Pacquiao at parte nga ng ginawang pagsasanay ay nang nagtungo siya sa Baguio City na kung saan nagsanay si Pacquiao para sa laban kay Shane Mosley sa Mayo 7.

Edad 24, si Khan ay mayroong impresibong 24-1 karta kasama ang 17 KO at papasok siya sa labanan mula sa isang unanimous decision panalo laban kay Marcos Maidana ng Argentina na hinirang naman ng Boxing Writers Association of America (BWAA) bilang 2010 Fight of the Year.

Si Berto naman ay sina­sabing posibleng makalaban ni Pacman sa hinaharap at ang labang ito ay magbibigay pagkakataon sa mga Filipino boxing fans na masipat ang kakayahan nito.

Ang double-title fights na ito ay mangyayari mata­pos ihatid ng TV5 ang laban ng nagbabalik na si Erik Mo­rales at Maidana noong nakaraang Linggo.

Ang laban ay mapapanood sa TV5 at Aksyon TV UHF Channel 41 (Channel 29 sa Metro Cebu at Metro Davao) mula alas-10 ng umaga hanggang ala-1 ng hapon.

May primetime replay mula alas-7 hanggang alas-9 ng gabi na IBC 13.

vuukle comment

AMIR KHAN

ANDRE BERTO

BAGUIO CITY

BOXING WRITERS ASSOCIATION OF AMERICA

ERIK MO

FIGHT OF THE YEAR

FOXWOOD RESORT CASINO

LABAN

MANCHESTER ARENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with