^

PSN Palaro

Simula na ang patatagan ng binti

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Rambulan sa unang pa­­nalo ang matutungha­yan sa 75 siklistang naka­anib sa 15 koponan sa pag­bubukas ngayon ng 2011 Le Tour de Filipinas sa Rajah Sulaiman Park sa Roxas Boulevard.

Pitong dayuhang koponan na Kiant Kenda ng Taiwan, CCN Colossi ng Netherlands, OCBC ng Singapore, Azad University at Suren Cycling Team ng Iran, Terengganu PASM ng Malaysia at Bridgestong-Anchor ng Japan ang ma­kikipagsukatan sa walong local teams na Smart, Kia-PhilCyling U-23, American Vinyl, Roadbike Philippines, 7-Eleven, Shopinas, Wow Videoke at Air21 na maglalaban-laban para mapag­harian ang apat na araw na karera.

Inorganisa uli ng Dyna­mic Outsource Solutions, Inc. (DOS-I), ang LTDF ay handog ngayon ng Kia Motors katuwang ng Smart at Air21 at patuloy pa ring bi­nibigyan ng basbas ng international cycling body na UCI.

“For the second year in a row, the many devotees of cycling in the Philippines will have an opportunity to experience the great ex­citement of a race held in stages,” wika ni UCI president Pat McQuaid sa kanyang mensahe.

Maigsing 66-kilometer na karera ang magaganap sa Stage one na kung saan ang mga kalahok ay sa­sabak sa isang 11-lap circuit race na magsisimula at magtatapos sa Rajah Sulaiman Park.

Ngunit makakaasang magpupumilit ang lahat na makuha ang panalo upang maging kauna-unahang siklista sa edisyong ito na magsusuot ng yellow jersey.

Ang Stage two ay isusulong bukas mula Balanga, Bataan patungong Iba, Zambales habang ang stage 3 ay mula Iba patu­ngong Lingayen, Pangasinan. Ang huling stage ay Lingayen patungong Burnham Park sa Baguio City at masusukat ang mga kasali dahil sa mapanghamong ahunan sa Kennon Road.

Tampok na parangal ay ang hihiranging individual champion ng karera pero may mga pabuya rin ang la­labas bilang Sprint King at King of the Mountain.

AMERICAN VINYL

ANG STAGE

AZAD UNIVERSITY

BAGUIO CITY

BURNHAM PARK

KENNON ROAD

KIA MOTORS

KIANT KENDA

RAJAH SULAIMAN PARK

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with