^

PSN Palaro

Heat lusot sa Hawks, inupuan ang No. 2 spot sa East

-

ATLANTA - Nagsalpak ng dalawang mahalagang three-point shots si James Jones upang tulungan ang Miami Heat sa 98-90 paggupo sa Atlanta Hawks at angkinin ang No. 2 seed sa Eastern Conference.

Nagposte naman si Lebron James ng 34 points para pangunahan ang Heat

Napatalsik sa laro si Miami center Zydrunas Il­gauskas matapos ibato ang bola sa likod ni Zaza Pachulia, habang muntik nang mabalewala ang itinayong 20-point lead ng “Big Three” laban sa Hawks.

Sa kanilang pagpasok sa playoffs bilang second seed sa East, dadalhin ng Miami ang kanilang 14 panalo sa nakaraan nilang 17 laro.

Sa huling 3 1/2 minuto sa fourth quarter kung saan ipinahinga ng Atlanta ang kanilang mga starters, su­mugod sa basket si Pachulia laban kay Ilgauskas na nagbalibag naman ng bola sa likod ng Hawks’ forward.

Sa Philadelphia, nagpakitang gilas si Dwight Ho­ward sa kanyang pagbabalik mula sa pagkakasuspinde nang kumana ng 19 puntos at 13 rebounds upang pamunuan ang Orlando sa 95-85 pananaig laban sa Sixers.

Galing si Howard sa isang larong pagkakasuspinde matapos niyang ma­kuha ang kanyang ika-18th technical foul nitong Linggo.

Sa iba pang laro, tinalo ng Cleveland ang Detroit, 110-101; hiniya ng Utah ang New Orleans, 90-78; pinagulong ng Milwaukee ang Toronto, 93-86;pinataob ng Charlotte ang New Jersey; 105-103 at nalusutan ng Washington ang Boston, 95-94 sa overtime.

vuukle comment

ATLANTA HAWKS

BIG THREE

DWIGHT HO

EASTERN CONFERENCE

JAMES JONES

LEBRON JAMES

MIAMI HEAT

NEW JERSEY

NEW ORLEANS

SA PHILADELPHIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with