^

PSN Palaro

Gilas tiniyak na magiging palaban sa mga foreign team sa Champion's Cup

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Hindi man makumpirma kung ilan ang bansang la­lahok tiyak naman na bibigyan ng Smart Gilas Pilipinas ng magandang laban ang mga dayuhang sasali sa 22nd edisyon ng FIBA Asia Champion’s Cup sa Philsports Are­na mula Mayo 28 hanggang Hunyo 5.

Sa pagdalo ni SBP executive director Sonny Barrios sa PSA Forum sa Shakey’s UN Avenue kahapon, kum­binsido siyang maganda ang ipapakita ng Gilas na sa ngayon ay kasali sa PBA Commissioner’s Cup at na­kapasok na sa semifinals ng liga.

Binisita ni Barrios ang Gilas sa kanilang ensayo ka­makailan at natuwa sa nakikitang paghihirap at pagse­ser­yoso sa kanilang pagsasanay.

Sampung koponan ang kadalasang sumasali sa Champions Cup na kinatatampukan ng dalawang imports ang mga kalahok.

Pero may mga ulat na nagkakaproblema ang ibang teams na nais na sumali at sa ngayon ay sinasabing bu­­kod sa Pilipinas, ang tiyak na sasali ay ang Iran, Syria, Jordan, Lebanon at Malaysia.

“Ang Saudi Arabia at Kazakhstan ay dapat kasali rin pero may balitang nagkakaproblema sila at maaaring palitan. Ang Thailand ang dapat ding kakatawan sa Southeast Asia kasama ng Pilipinas pero nasuspindi sila kaya pinalitan ng Malaysia na third placer sa ASEAN Basketball League,” paliwanag ni Bernie Atienza.

Ang opisyal na kasaling bansa ay malalaman sa Biyernes sa gagawing draw ng mga kalahok na pangu­ngunahan ni FIBA Asia Deputy Secretary-General Hagop Khajirian.  

ANG SAUDI ARABIA

ANG THAILAND

ASIA CHAMPION

ASIA DEPUTY SECRETARY-GENERAL HAGOP KHAJIRIAN

BASKETBALL LEAGUE

BERNIE ATIENZA

CHAMPIONS CUP

PHILSPORTS ARE

PILIPINAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with