^

PSN Palaro

NLEX lusot sa PC Gilmore; FCA wagi rin

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Nakumpleto ng NLEX ang mahalagang play sa papatapos na tagpo ng laro upang maikasa ang 88-87 panalo sa PC Gilmore sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Naispatan ni John Raymundo si Clifford Hodge sa ilalim at naipasok ng 6’6” Fil-Am ang mahirap na undergoal stab sabay hirit ng foul kay Mark Acosta para sa nakumpletong 3-point play para tabunan ang 85-87 iskor at umangat ng isa ang Road Warriors

May 1.1 segundo pa ang natitira sa orasan at nakuha ni Jeff Vidal ang bola pero mintis ang game-winning shot para makuha ng bataan ni coach Boyet Fernandez ang liderato sa Group A sa 3-1 karta.

“Hindi maganda ang de­pensa namin dahil nakaiskor sila ng 44 points sa first half. Ang mahalaga lamang ay nakabawi sila sa second half lalo na sa end game,” wika ni Fernandez.

Sinandalan naman ng FCA Cultivators ang matinding 9-0 bomba sa kalagitnaan ng huling yugto para mangibabaw sa coach-less na Maynila, 77-67, sa isang laro.

Sina Alfred Gerilla, Alan Husted at Alex Mallari ang siyang nagtulong-tulong sa mahalagang run na ito na nangyari matapos itabla sa huling pagkakataon sa 57-all ang iskor ni Garvo Lanete.

FCA 77--Gerilla 15, Mallari 13, Husted 13, Cole 10, Reyes 7, Canlas 4, Pascual 4, Dizon 3, Bulawan 3, Co 3, Custodio 2, Datang 0.

Maynila 67 – Lanete 21, Lim 10, Marcelo 8, Diputado 7, E. Pascual 6, Caram 4, Dela Rosa 4, K. Pascual 4, A. Semerad 2, D. Semerad 0, Villahermosa 0.

Quarterscores: 22-12; 37-39; 57-55; 77-67.

 NLEX 88-- 21, Sangalang 18, Belencion 12, Menor 10, Ellis 7, Salamat 6, Abueva 5, Raymundo 4, Tesoro 3, Co 2, Pascual 0, Dehesa 0.

PC Gilmore 87--Lastimosa 22, Acosta 14, Mangahas 11, Vidal 9, Sinco 9, Cortes 8, Agas 8, Parala 2, Sarangay 2, Magbanua 0, Dysam 0.

Quarterscores: 16-21; 36-44; 63-64; 88-87.

vuukle comment

ALAN HUSTED

ALEX MALLARI

BOYET FERNANDEZ

CLIFFORD HODGE

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

DELA ROSA

GARVO LANETE

GILMORE

GROUP A

JEFF VIDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with