^

PSN Palaro

Lady Altas, Stingers nagpalakas

- Ni RC -

MANILA, Philippines - Habang ginitla ng Lady Stingers ang debut game ng Lady Stags, naging ma­­gaan naman ang pa­nalo ng Lady Altas sa Lady Falcons.

Bunga ng eligibility violation ni Faye Guevarra, nabalewala ang 25-20, 25-15, 25-19 panalo ng Adamson University sa University of Perpetual Help sa Group B sa Shakey’s V-League kahapon sa Filoil Flying V Arena sa San Juan City.

Ipinasok ni coach Dulce Pante si Faye Guevarra, isa sa mga guest pla­yers ng Lady Falcons, sa second set para palitan si Angelica Quinlog.

Ngunit ayon kay tournament commissioner Tony Boy Liao, si Guevarra ay wala sa Adamson roster ng nakaraang UAAP season kaya hindi siya maaaring maglaro sa liga.

Sa ilalim ng special provision sa patakaran sa mga student-guest players, ang isang koponan ay maa­aring gumamit ng tatlong guest players na dapat ay nag-aaral pa sa naturang paaralan.

“A team can only avail itself of one of the above rules for their guest players --either the general rule or the special provision for student guest players. A combination of both is not allowed,” paliwanag ni Liao.

Bunga nito, ang Lady Altas ang kumuha sa solo lead para sa kanilang ikala­wang sunod na panalo, ha­bang nahulog naman sa 1-1 ang baraha ng Lady Falcons, ang nagreyna sa 2010 second conference.

Sa ikalawang laro, bi­nigo naman ng Southwes­tern University ang San Sebastian College, 24-26, 25-23, 25-23, 25-20, para palakasin ang kanilang tsansa sa quarterfinal round ng torneong suportado ng Shakey’s Pizza katuwang ang Accel bilang official outfitter at Mikasa bilang official ball.

Bumangon ang Lady Cobras mula sa isang first-set setback upang walisin ang sumunod na tatlong frames para sa kanilang 2-1 baraha at solohin ang ikalawang silya sa Group A sa ilalim ng 2-0 marka ng Ateneo Lady Eagles.

vuukle comment

ADAMSON UNIVERSITY

ANGELICA QUINLOG

ATENEO LADY EAGLES

BUNGA

DULCE PANTE

FAYE GUEVARRA

LADY

LADY ALTAS

LADY FALCONS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with