^

PSN Palaro

Aguilar sumagasa ng 2 korona sa World Motocross Series

-

ILOILO CITY , Philippines -- Winalis ng nagbabalik na si Glen Aguilar ang dalawa sa tatlong events na kanyang si­nalihan matapos ipinamalas na siya pa rin ang pinakamahusay na motocross rider ng bansa sa Enersel Forte World Motocross Series na idinaos sa Sta. Barbara Circuit dito noong Linggo.

Galing ang 36-anyos na si Aguilar mula sa dalawang taong pamamahinga, ipinagpag ni Aguilar ang kalawang sa kanyang katawan upang pag­harian ang Pro Open at Pro Lites sa impresibong performance na yumanig sa kanyang mga kalaban sa matatarik na 12-laps ng 1.2-kilometrong circuit.

Tanging sina Bornok Mangosong at Ambo Yapparcon at Wensor Pamorca sa Pro Open ang tanging nakasabay sa kanyang hamon at tumapos lamang ng ikalawang posisyon.

Sa simula pa lang ng kambal na karera ay agad na inilabas ni Aguilar ang kanyang tikas matapos makopo ang mapaghamong double jump, triple jump at hoop deuce obstacle.

Hindi naman nakaporma si Aguilar sa kabila ng sakay ng kanyang paboritong KTM 350 cc machine, nang magkasya lamang ito sa 3rd place sa International Pro Open class na dinomina ni American Tiger Lacey na nagmula sa 2nd place sa unang yugto ng karera noong Sabado at mokopo ang top spot sa sumunod na karera noong Linggo.

AGUILAR

AMBO YAPPARCON

AMERICAN TIGER LACEY

BARBARA CIRCUIT

BORNOK MANGOSONG

ENERSEL FORTE WORLD MOTOCROSS SERIES

GLEN AGUILAR

INTERNATIONAL PRO OPEN

LINGGO

PRO OPEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with