Tallam, Barcena bumandera sa NatGeo Earth Day run

MANILA, Philippines - Pinagharian nina Ja­mes Tallam at Nhea Ann Barce­na ang kani-kanilang di­vision sa premier 21k ra­ce nang tanghaling kampeon sa second Natio­nal Geographic’s Earth Day Run sa Bonifacio Global City nitong Linggo.

Nagposte si Tallam ng 1:13:54 na oras (chip time) upang talunin sina Regie Lumawag (1:27:16) at Ryan Kerwin (1:30:13 para sa karangalan sa cen­terpice event ng four-category race na inilatag ng National Geographic Channel upang makatulong sa pagliligtas ng kapaligiran at maitaas ang kaalaman sa pangangalaga ng planeta.

Sa kabilang banda, itinakas naman ni Barcena ang korona sa ladies side sa tiyempong 1:27:17 na may 11 minutong agwat mula sa runner-up na si Amanda Carpo na naglista ng 1:38:43, habang tumapos naman si Aileen Breen ng ikatlong puwesto na may 1:46:28 sa event na ito na presinta ng PLDT MyDSL sa pakikipag-partnership sa   BGC at Greenbelt at supportado ng Petron Turbo Diesel, Canon, Prudential Guarantee, 1st Endurance at Cushe.

Ang iba pang nanalo ay sina Sterling Packer (0:41:17) at Luisa Raterta (040:33), na bumandera naman sa 10k na karera.

Show comments