Lining inilaglag ni Liu sa loser's bracket sa Phl Open

MANILA, Philippines - Dadaan sa mas mahi­rap na ruta si Antonio Li­ning sa hangarin nitong ma­ka­pasok sa Final Four sa 20­11 Philippine Open Pool Cham­pionships kahapon sa SM Megamall Trade Hall sa Man­daluyong City.

Ang top seed sa kompe­tisyon at natatanging local player na nasa winner’s bra­cket ay nalaglag na rin sa loser’s group nang lasapin ang 8-9 pagkatalo kay Liu Haitao ng China.

Masakit ang kabiguang ito para sa No. 2-ranked pla­yer ng World Pool Asso­ciation (WPA) dahil nakauna siya sa hill, 8-5, pero naka­hulagpos ang panalo at pu­westo sana sa Final Four mu­la sa winner’s group nang maisablay ang 2-8 kom­binasyon sa 14th rack.

Ang pagkakataon ay hindi na binitawan ni Liu na tinuhog ang huling apat na racks, kasama ang run-outs sa racked 16th at 17th.

Dahil dito, kailangang ma­nalo muna si Lining, kinalos ang kababayang si Lee Van Corteza, 9-6, sa naunang laro, sa loser’s bracket para makausad sa se­mifinals.

Makakalaro niya para sa puwesto sa susunod na yugto ang mananalo sa pagitan nina Darren Ap­ple­ton ng Great Britain at Fu Che Wei ng Chinese Tai­pei.

Si Carlo Biado ang ma­­­­kakasama ni Lining sa ha­ngaring balikatin ang kam­panya ng bansa nang ta­lunin ang nagdedepensang sina Ricky Yang ng In­donesia, 9-1, at Dennis Orcollo, 9-7.

Show comments