^

PSN Palaro

Immonen pinatalsik ni Banares sa Phl Open Pool

- Ni Angeline Tan -

Manila, Philippines - Anuman ang kalabasan ng kanyang kampanya sa Philippine Open Pool Championships ay tiyak na hindi na ito malilimutan ni Jerico Banares.

Si Banares na dating Philippine Junior champion ay nangibabaw sa batikan at dating world champion na si Mika Immonen, 9-7, sa loser’s bracket upang tuluyang patalsikin ang mas kilalang katunggali kahapon sa SM Megamall Trade Hall sa Mandaluyong City.

Nagamit ni Banares ang scratch ni Immonen upang makabalik sa mesa at makumpleto ang panalo sa unang laro sa one-loss bracket.

Nalaglag ang tubong Antipolo City na si Banares sa loser’s group nang matalo kay Takhti Zarekani ng Iran, sunod na babanggain nito si Abdulah Al Yousuf ng Kuwait.

Kumana rin ng malaking panalo si Yousuf sa torneong handog ng Raya Sports at may basbas ng WPA nang pagpahingahin na niya ang dating double World Champion Ronato Alcano, 9-4.

Sina Allan Cuartero at Carlo Biado naman ang mga unang Filipino na umabante sa last 16 ng loser’s bracket matapos manalo sa kanilang dalawang laro.

Si Cuartero ay unang nangibabaw kay Wu Hao ng China, 9-8, bago isinunod si Abdul Hussain ng Qatar, 9-4, habang si Biado ng kasapi ng Bugsy Promotions ay nanalo sa mga kababayang sina Marlon Manalo, 9-3, at Demosthenes Pulpul, 9-1.

Ang iba pang Pinoy na humihinga pa sa grupo ay sina Ramil Gallego at Oliver Medinilla.

Tinalo ni Gallego si Cheng Pei Wei, 9-6, habang si Medinilla ay nangibabaw kay Yoni Rachmanto ng Indonesia, 9-6.

Tuluyan namang nasibak sina Jeff De Luna at Raymund Tanio matapos mabigo si De Luna kay Nguyen Phuc Long ng Vietnam, 9-6, at si Medinilla ay lumasap ng 9-6 kabiguan sa kamay ni Yoni Rachmanto ng Indonesia.

Ang mga palaban naman sa winner’s bracket ay sina Dennis Orcollo, Lee Van Corteza, Antonio Lining, Jundel Mazon at Renemar David na naglaro rin kagabi.

Si Orcollo ay hinarap si Ralf Souquet ng Germany, si Corteza ay binangga si Chang Jun Lin ng Chinese Taipei, si Lining at Mazon ay nagkrus ang landas habang si David ay nasukat kay Lui Haitao ng China.

vuukle comment

ABDUL HUSSAIN

ABDULAH AL YOUSUF

ANTIPOLO CITY

ANTONIO LINING

BANARES

BUGSY PROMOTIONS

CARLO BIADO

CHANG JUN LIN

CHENG PEI WEI

YONI RACHMANTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with