NU, Adamson humataw sa V-League

MANILA, Philippines - Pinawi ng National University ang pagkatalo sa first set sa pagpapakita ng agresibong paglalaro tungo sa 20-25, 25-10, 25-21, 25-23, tagumpay sa College of St. Benilde sa Shakey’s V-League kahapon sa The Arena sa San Juan City.

May 18 puntos si Cai Nepomuceno habang 16 hits, kasama ang tatong blocks ang inihatid naman ni guest player Dindin Santiago para makabangon ang Lady Bulldogs sa kabi­guang naipalasap ng University of Perpetual Help sa unang asignatura.

Sa ikalawang set nagsimulang gumanda ang laro ng NU at ginamit nila ang 15 attack points at tatlong blocks para maitabla ang best of five series sa 1-1.

Tinalo naman ng Adamson University ang University of St. La Salle, 25-23, 25-15, 25-22.

Show comments