^

PSN Palaro

USLS belles pipigilan ng Adamson

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Makikilatis ang tunay na lakas ng La Salle Baco­lod sa pagbangga sa Adamson sa triple header game ngayon ng Shakey’s V-League sa The Arena sa San Juan City.

Ganap na alas-4 ng ha­pon isasagawa ang tagi­san na kung saan ikalawang sunod na panalo ang hangad ng Lady Stingers matapos lusutan ang St. Benilde sa mahigpitang li­mang sets, 25-21, 25-27, 18-25, 25-17, 15-11, sa Group A.

Kakailanganin ng bisitang koponan na mailabas ang tibay ng laro dahil ang Lady Falcons ay magtat­angka ring bigyan ng magandang panimula ang kampanya para sa ikalawang sunod na titulo sa ligang inorganisa ng Sports Vision at suportado ng Shakey’s Pizza na binigyan din ng ayuda ng Accel at Mikasa.

Unahan sa unang pa­nalo naman ang magaganap sa pagitan ng Na­tional University at St. Be­nilde sa pambungad na labanan ganap na alas-2 ng hapon habang ganito rin ang mangyayari sa Southwestern University at FEU sa huling laro dakong alas-6 ng gabi.

 Ang Lady Cobras ay natalo sa Lyceum, 25-21, 25-27, 16-25, 15-25, habang ang FEU ay yumukod sa Ateneo, 17-25, 22-25, 20-25.

 “Kailangan lamang na hindi mawala ang intensity at determination na ipinakita nila last conference. Kung ganito ang kanilang gagawin, walang rason bakit hindi kami makakadalawang sunod na titulo rito,” wika ni Adamson coach Dulce Pante.

Si dating MVP Nerissa Bautista ang mangunguna sa koponang inaaniban din ng mga subok nang manlalaro tulad nina Angela Benting, Pau Soriano, Angelica Vazquez at Jampong Quinlog.

Ang laro ay mapapanood ng live streaming sa www.v-league.ph.

vuukle comment

ADAMSON

ANG LADY COBRAS

ANGELA BENTING

ANGELICA VAZQUEZ

DULCE PANTE

GROUP A

JAMPONG QUINLOG

LA SALLE BACO

LADY FALCONS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with