^

PSN Palaro

Champion's Cup prayoridad ni Barrios

- Ni RCadayona -

MANILA, Philippines - Matapos ang una niyang araw bilang bagong executive director ng Sama­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP) noong Lunes ay si­si­mulan na ni Sonny Barrios ang pagtutok sa pa­nga­ngasiwa ng bansa sa darating na 2011 FIBA-Asia Champion’s Cup.

“Maraming kailangang atupagin, specifically, mag­ho-host tayo ng isang inter­national event na world age group at meron naman tayong tinatawag na FIBA-Asia Champion’s Cup from May 28 to June 5 compose of 10 teams, nine of them are foreign at siyempre ang Smart-Gilas natin,” ani Barrios kahapon sa lingguhang PSA sports forum sa Shakey’s sa U.N. Avenue, Manila.

Ang naturang FIBA-Asia Champion’s Cup ay idaraos ng SBP sa Philsports Arena sa Pasig City na tatampukan ng Smart-Gilas ni Serbian caoch Raj­ko Toroman.

Sa naturang torneo ina­asahang makakahiram ang SBP sa Philippine Basketball Association (PBA) ng limang professional pla­yers para makatulong sa Nationals.

“There is no formal identity yet I believe on who those five (players) will be if indeed Smart-Gilas will borrow five,” wika ni Barrios, nagsilbi sa PBA sa loob ng 21 taon, ang huling tatlo ay bilang Commissioner kapalit ni Noli Eala.

Maliban sa FIBA-Asia Champion’s Cup, pagha­han­da na rin ng SBP ang FI­BA-Asia Men’s Cham­pionships sa Wujan, China sa Setyembre na siyang qualifying tournament patu­ngo sa 2012 London Olympics.

Nasa kalendaryo rin ng SBP ang 26th Southeast Asian Games sa Pa­lembang, Indonesia na sa Nov. 11.

ASIA CHAMPION

ASIA MEN

LONDON OLYMPICS

NOLI EALA

PASIG CITY

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

PHILSPORTS ARENA

SHY

SMART-GILAS

SONNY BARRIOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with