Dela Cruz nakahabol pa

MANILA, Philippines - Tinalo ni Roland dela Cruz si Victor Arpilleda, 9-8, sa all Filipino finals sa huling qualifier 10 para makaha­bol sa mga manlalarong maglalaro sa Philippine Open Pool Championships mula Abril 7 hanggang 11 sa SM Megamall sa Pasig City.

Mas handa sa pressure ang di gaanong kilalang si dela Cruz sa dating national player na si Arpilleda upang samahan sina Roberto Go­mez, Jundel Mazon, Renemar David at Allan Cuartero na nakalusot sa qualifying round na isinagawa sa Star Billiards Center sa Grace Village, Quezon City.

Hindi naman nakahabol ang beteranong si Rodolfo Luat matapos siyang sorpresahin ng beterano ring si Tomoo Takano ng Japan sa pamamagitan ng 9-4 panalo sa qualifying nine.

Pormal naman na ipa­kikilala ang mga kasali sa prestihiyosong kompetisyong ito ngayon sa pu­long pambalitaan sa SM Megamall.

Nakapasok naman sa kababaihan si Duong Thuy Vi ng Vietnam nang talunin si Lai Hui Shan ng Chinese Taipei, 7-3,

Si Tsai Pei Chen ay nangibabaw kay Nur Sukmawati ng Indonesia, 7-5, sa isa pang qualifying para masamahan sina Duong, kababayang si Lin Yuan Chun at Wu Jing ng China sa main draw sa women’s division.

Show comments