Ikatlong sunod na panalo asam ng Pharex kontra PC Gilmore

MANILA, Philippines - Matapos ang dalawang panalo ay hindi pa rin nakukuntento si Pharex coach Gian Carlo Tan sa ipinapakita ng kanyang koponan sa PBA D-League Foundation Cup.

Tinalo ng koponan ang Black Water, 100-90, at NLEX Road Warriors, 79-74, para masolo ang Group A.

“We need to executive better,” wika ni Tan sa kanyang Pharex na tatapatan ang PC Gilmore ngayong alas-4 ng hapon matapos ang laro ng Cafe France at Maynilad sa alas-2 sa Lyceum Gym.

Sina Marlon Adolfo, Jeff Morial, Jason Deutchman, Raymond Aguilar at Leomar Losentes ang mga aasahan ng Pharex.

Paborito naman ang Maynilad ni coach Frankie Lim laban sa Café France dahil sa mga core players ng NCAA champions San Beda Red Lions.

Galing ang Water Dragons sa 82-61 panalo sa Max! Bond Super Glue para makabawi 70-78 kabiguan sa Cobra Energy Drink sa una nilang asignatura.

Sina American Sudan Daniel, Garvo Lanete at Kyle Pascual ang mga mangunguna sa Water Dragons katapat sina Jewel Ponferada, JR Bulangis at Leeward Lobaton ng Cafe France.

Show comments