Carlos, Escueta kampeon sa PBaRS
MANILA, Philippines - Sumandal si Ma. Bianca Ysabel Carlos sa magandang diskarte para balewalain ang karanasang taglay ni Gelita Castilo tungo sa 21-17, 21-14, straight sets na panalo at makamit ang Open ladies title sa pagtatapos ng MVP Sports Foundation-Bingo Bonanza 1st Philippine Badminton Ranking System (PBaRS) tournament sa Ynares Sports Arena sa Pasig City kahapon.
Umani ng mahahalagang puntos si Carlos sa salitang smashes at drop shots para makuha ng Golden Shuttle Foundation bet ang panalo sa loob lamang ng 27 minuto.
Ang panalo ay nagkahalaga ng P70,000 gantimpala at ang straight sets panalo ay kumumpleto sa di paglasap ng kabiguan ni Carlos sa kabuuan ngkompetisyong suportado ng MVP Sports Foundation Goal-Pilipinas!, Bingo Bonanza Corp at Victor PCOME.
Matapos ang walk-over panalo kay Janelle De Vera, isinunod niya si Joyce Po, 21-12, 21-12 sa round of 16; si Alizandra Candelaria, 21-11, 21-10 sa quarterfinals at si Danica Bolos, 21-14, 21-15, sa semifinals.
Sumalo kay Carlos ang national player na si Joper Escueta na ibinuhos ang laro laban kay Wilbert Natividad tungo sa 21-12, 21-18, tagumpay at makuha ang U-19 boys singles title.
Ang tagumpay ay pambawi ni Escueta matapos mabigo sa men’s Open division.
Kinuha naman ni Joella De Vera ang titulo sa girls U-15 singles nang pawiin ang pagkatalo sa first set tungo sa mahigpitang 19-21, 21-15, 21-9 panalo laban kay Ysabel Leonardo.
- Latest
- Trending




















