^

PSN Palaro

NatGeo run deadline sa Abr. 3

-

MANILA, Philippines - Itinakda ang deadline sa pagpapatala para sa Na­tional Geographic Channel’s Earth Day Run (EDR) sa Abril 3 kung saan uma­bot na sa halos 5,000 ang nagparehistro sa natitirang 10 araw bago pakawalan ang event sa Abril 10 sa Bo­nifacio Global City.

Bagamat isinara na ng mga nag-oorganisa ang on-line listup, bukas pa na­man ang on-site registration sa NatGeo EDR booth sa left wing ground floor ng Greenbelt 3 sa Makati City hanggang Linggo

Ang entry fees ay P600, P700 at P900 para sa 3k, 5k at 10k races, ayon sa pag­kakasunod, at P1,150 para sa bagong event na kasama na rito ang isang NatGeo EDR limited edition technical shirt.

Ang four-race, fund-raising race event ay itinakda ng National Geographic Channel (NGC) sa pakikipagtambal sa Greenbelt at Bonifacio Global City ay para ipabatid ang kahalagahan ng physical fitness at wellness bukod pa ang pagmamahal sa planeta at kalikasan.

Ang pondong maiipon sa event na suportado ng Petron Turbo Diesel, Ca­non, Prudential Guarantee, 1st Endurance at Cushe, ang susuporta sa pagpapatayo ng Mind Museum project sa Taguig City.  

ABRIL

BONIFACIO GLOBAL CITY

EARTH DAY RUN

GEOGRAPHIC CHANNEL

GLOBAL CITY

MAKATI CITY

MIND MUSEUM

NATIONAL GEOGRAPHIC CHANNEL

PETRON TURBO DIESEL

PRUDENTIAL GUARANTEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with