Padilla may puwesto na sa 26th SEA Games
MANILA, Philippines - Sinikwat ni reigning national pistol champion Nathaniel “Tac” Padilla ang isang tiket sa Philippine team na isasabak sa 26th Southeast Asian Games sa Indonesia sa Nobyembre matapos makapasa sa kriteria para sa rapid fire pistol event.
Nagpaputok ang 46-anyos na si Padilla, general manager ng kanilang family-owned Spring Cooking Oil, ng 574 points para lagpasan ang gold medal criteria na 561.
“Long hours of training and regular competition help me stay in shape,” sabi ni Padilla, ang tanging gold winner sa RP shooting team sapul noong 2007 at rapid fire champion sa 2009 SEA Games sa Laos. “I have to work hard because I want to defend my title.”
Si Padilla ang pinakamatatag na Filipino athlete sa mga local at international. Gagawin niya ang kanyang pang 17th appearance sa SEA Games sa Indonesia matapos noong 1977.
Matapos ang dalawang huling elimination rounds, patuloy na dinomina ni Padilla ang kompetisyon.
Ang iba pang shooters na maaaring mapasama sa national team ay sina 15-year-old Jayson Valdez, nagtala ng 588 sa men’s air rifle event; Mark Lorenz Manosca, naglista ng 564 points sa first leg ng men’s air pistol event; Emerito Concepcion, nagsumite ng 582 sa men’s air rifle; Ronald Hejastro, nagposte ng 556 sa standard pistol event; Shanin Gonzales, nagpaputok ng 367 sa women’s air pistol at ang 21-year-old na si Venus Tan, naglista ng 380 sa women’s air rifle.
Sina Valdez at Tan, produkto ng shooting association’s National Youth Development Program, ay niregaluhan ni NYDP chair Padilla ng competition guns.
- Latest
- Trending