Sumos, Wizards umiskor sa D-league

MANILA, Philippines - Ipinamalas ng mga beterano ang kanilang tunay na laro para sa Max! Bond Super Glue, habang mas matatag na endgame ang ipinakita ng PC Gilmore para sa kanilang unang panalo sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Adamson Gym.

Umiskor si Rudy Lingganay ng 23 puntos para pangunahan ang Sumos sa 83-62 pagdurog sa Café France sa unang laro.

Si Reil Cervantez ay nagtala ng 16 puntos at 12 re­bounds, habang naghati sa 20 puntos sina Jun-Jun Cabatu at Roel Hugnatan para sa Sumos na binigla ang Scorpions sa third period para mahawakan ang 62-47 bentahe.

“Sinabi ko lamang sa kanila na kung maniniwala sila sa akin at susunod sa mga ipapagawa ko, mananalo kami. Marami pa ang ilalabas ng team basta magtiwala lamang sila,” ani coach Alfredo Jarencio para sa 1-1 mar­ka ng Max! Bond Super Glue sa Group B.

Isang 11-0 endgame run ang ginawa naman ng PC Gilmore patungo sa kanilang 81-72 tagumpay laban sa Freego Jeans.

May 20 puntos si Carlo Lastimosa. (ATAN)

Show comments