10 NCR kids pasok sa 2011 Jr. NBA National Training Camp
MANILA, Philippines - Sampung 10-14 year-old kids mula sa Metro Manila at Luzon ang nangibabaw sa 345 kids sa Jr. NBA Manila Regional Selection Camp noong Marso 26 sa Xavier Gym sa Greenhills, San Juan para maging finalists sa Jr. NBA National Training Camp sa Abril.
Ang National Training Camp ay ang pinakatampok sa 2011 Jr. NBA Philippines Program na inihahandog ng Alaska kung saan ang 10 Jr. NBA camp participants ay pipiliin matapos ang three-day boot camp at makakasama sa Jr. NBA Philippines All Stars Team.
Itatakda ito sa Manila at sa La Salle Green Hills Gym mula Abril 9-10 at sa SM Mall of Asia Music Hall sa Abril 11.
Ang 10 NCR Jr. NBA camp finalists ay sina Bouyer Airam Aseron at Lorenzo Fernando Navarro, San Sebastian College; Jarrell Lim, Xavier School; Aleck Jon A. Melecio at Alfred Sajulga, De La Salle-Zobel; Chino Manuel Mosqueda, San Beda College; Kobe Lorenzo Paras at Tsaddy John Tabaldo, La Salle Green Hills; Ferdinand Ravena III, Ateneo de Manila; at Justine Oliver Serrano, Malayan High School of Science (Mapua).
Makakasama nila ang mga Cebu kids na sina Mhike Spencer Patalinghug, Noel Villaceran at Niño Dave Paon ng University of Visayas; Miguel Competente ng Holy Child School of Davao; Jude Luke Bulan at Arnie Christian Padilla ng University of San Carlos-North; Godard Barbosa at Randell Senining of University of San Jose Recoletos; at Jair Edrei Igna at Dawn Hynric Ochea ng Sacred Heart School-Ateneo de Cebu sa National Training Camp.
- Latest
- Trending