Cuello tinalo si Chaiyong via ninth-round TKO
MANILA, Philippines - Hindi hinayaan ni Denver Cuello na masira ang mataas na ekspektasyon sa kanya nang kunin ang ninth-round TKO win laban kay Thai challenger Samat Chaiyong noong Sabado ng gabi sa Yñares Gym sa Angono, Rizal.
Sa simula pa lamang ng laban sa itinakdang 12-round title fight para sa kanyang WBC international minimumweight title ay ipinaramdam na ni Cuello ang kaseryosohan sa hangaring manalo matapos makakunekta sa Thai.
Sinikap na sumayaw ni Chaiyong para makaiwas sa malalakas na suntok ng Filipino champion pero ang pag-iwas ay nagkaroon ng hangganan sa ninth round ng maipit niya sa isang corner ang Thai challenger.
Ilang malulutong na suntok habang nakaipit si Chaiyong dahilan upang hindi ito makaganti at nagtulak kay referee Bruce McTavish na itigil na ang laban.
- Latest
- Trending