^

PSN Palaro

Casimero masusubok kay Mthalane sa Africa

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Maging ikalawang Fi­li­pino boxer na tumalo kay South African Moruti Mthalane ang pakay nga­yon ni Johnriel Casimero sa pagsampa ng dalawa sa ring sa Nasrec Indoor Arena, Johannesburg, Gau­teng, South Africa.

Si Casimero ay aakyat ng timbang upang hamunin si Mthalane na kampeon sa IBF flyweight division.

Edad 21 lamang si Ca­simero at umakyat ng timbang matapos makaga­wa ng magagandang panalo sa mas mababang flyweight division na kung saan minsan ding tumayo siya bilang isang interim WBO light flyweight champion.

Kapwa nakapasa naman sa timbang ang dalawang boksingero para makita na handa na sa na­sabing laban.

Bago si Casimero, na­una nang hiniya ni Noni­to Donaire Jr. si Mthalane nang naglaban ang dalawa sa Mandalay Bay sa Las Vegas noong Nobyembre 1, 2008. Kampeon pa noon si Donaire sa IBF flyweight at challenger si Mthalane na pinahirapan ang Filipino Flush bago naiuwi ang TKO sa sixth round dahil sa malalaking putok sa mukha ng challenger.

Si Donaire ay kampeon ngayon sa WBC/WBO ban­tamweight division nang kanyang patulugin si Mexican Fernando Montiel sa 2nd round.

Dahil sa nakasabay si Mthalane kay Donaire kung kaya’t mataas ang kumpiyansa ng mga handlers ng kampeon na madali nilang matatalo si Casimero na may 14 panalo sa 15 laban kasama ang 8 KOs.

vuukle comment

CASIMERO

DONAIRE

DONAIRE JR.

FILIPINO FLUSH

JOHNRIEL CASIMERO

LAS VEGAS

MANDALAY BAY

MEXICAN FERNANDO MONTIEL

MTHALANE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with