Nowitzki, Terry iniligtas ang Mavericks sa panalo
DALLAS--Nang halos matalo na laban sa NBA’s worst teams, umasa ang Dallas Mavericks sa fourth-quarter duo nina Dirk Nowitzki at Jason Terry.
Humataw si Nowitzki ng 30 points at 11 rebounds, habang may 18 points naman si Terry para tulungan ang Mavericks sa 104-96 paggupo sa Minnesota Timberwolves at ibigay sa Dallas ang pang 50th wins nito sa 11th straight season.
Nagtuwang sina Nowitzki at Terry sa kanilang pinagsamang 19 points sa final quarter para sa ikatlong panalo ng Mavs sa huli nilang apat na laro.
Isang 11-2 atake ang ginawa ng Dallas sa huling 2:38 para talunin ang Timberwolves.
Nagdagdag si Shawn Marion ng 17 points para sa Mavericks kasunod ang 16 ni Peja Stojakovic at 9 points at 10 rebounds ni Tyson Chandler.
Tumipa naman si Anthony Randolph ng career-high 31 points bukod sa kanyang 11 rebounds para sa Timberwolves,
Sa Salt Lake City, sumandig ang New Orleans sa 20-footer shot ni Emeka Okafor sa regulation kasabay ng pagtunog buzzer ang nagtulak upang madala ang laro sa overtime, umiskor naman ang reserve na si Aaron Gray ng anim na puntos sa extra period upang banderahan ang Hornets sa 121-117 panalo laban sa Utah Jazz.
Tumapos naman si David West ng 29 puntos para sa Hornets bago siya isakay sa wheelchair hawak ang kanyang ulo at namimilipit sa sobrang sakit makaraang bumagsak matapos kumunekta ng dunk shot ang nagtabla sa iskor sa 103.
Kumana si Paul Millsap ng dalawang freethrows at ilagay ang Jazz sa 105-103 pangunguna may 1.3 segundo na lang sa laro.
- Latest
- Trending